
Sanggunian: Remate On-line (2018)
Ang Leptospirosis ay isang uri ng sakit o impeksyong dulot ng leptospira bacteria na mula sa mga hayop katulad ng daga. Kadalasang nakukuha ito sa tubig-baha dahil sa kontaminadong ihi ng mga hayop. Ang ihi na may dalang mikrobyo ay maaaring pumasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng sugat sa paa, tuhod, binti, at iba pang bahagi ng katawan na inilublob sa tubig-baha. Maaari ring maging tagapagpadala ng sakit na ito ang mga baboy, baka, at maging mga aso. Sa loob ng isang buwan, ang taong may leptospirosis ay maaaring makahawa sa iba sa loob ng isang buwan; ito ay sa pamamagitan ng kanilang ihi at dugo (“Mga Kaalaman Tungkol Sa Leptospirosis”, n.d., talata 1).
Ang sintomas ng sakit na leptospirosis ay karaniwang lumalabas o nararamdaman lima haggang labing-apat na araw matapos malublob sa tubig-baha. Ilan sa mga sintomas nito ay pagsakit ng ulo, pagkakaroon ng lagnat, pag-ubo, panginginig, pagkahilo, pagkawala ng ganang kumain, pamamantal ng balat, pamumula ng mga mata, pagsakit ng mga kalamnan, pagsusuka, at pagtatae (“Leptospirosis: Sakit mula sa Ihi ng Daga”, n.d., talata 2).
May mga pagkakataong lumulubha ang kondisyong ito kapag hindi naagapan. Pangunahing naaapektuhan ang mga lamang-loob katulad ng utak, atay, baga, at iba pa. Ilan sa mga malubhang sintomas nito ay ang pag-ubo ng dugo, pagkawala ng ganang kumain, pamamaga ng katawan, paninilaw ng balat, pamumula ng mga mata, pananakit ng dibdib, pangangapos ng hininga, at seizures (“Leptospirosis: Sakit mula sa Ihi ng Daga”, n.d., talata 3). Kapag napansin na mayroong mga sintomas ng leptospirosis, kinakailangan na pumunta agad sa ospital upang ito’y masuri, at maagapan kung mayroon man. Ang pagkunsulta sa doktor ay mahalaga munang gawin bago uminom ng mga gamot. Kadalasan nilang ipinapayong uminom ng mga antibiotics tulad ng doxycycline at penicillin dahil ang mga ito ay nagbibigay ng proteksyon laban sa leptospirosis (Ong, 2015, talata 7).
Nagiging talamak ang sakit na leptospirosis tuwing panahon ng tag-ulan sa Pilipinas sapagkat madalas na nakukuha ito sa mga mikrobyong Leptospira interrogans na dala ng ihi ng mga hayop tulad ng daga na nahahalo sa tubig-baha. Mas mataas ang pagkakataong makuha ito ng
Sanggunian: All About Leptospirosis (2018) taong lumusong sa baha habang may bukas na sugat o hindi kaya ay sa pamamagitan ng mata, ilong, bibig, tainga o ari. Maaaring tawaging isang delikadong sakit ang leptospirosis dahil napakaraming namamatay dahil dito taun-taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), tumaas ng 358% ang bilang ng mga kaso ng leptospirosis sa Maynila noong Agosto nitong taon kumpara sa nakaraang taon. Sa buong Pilipinas naman, umabot na ng 2,229 ang bilang ng mga kaso ng leptospirosis na nagpapahayag ng pagtaas nito ng 105% kumpara sa 1,085 na mga kaso noong 2017 (Takumi, 2018). Dagdag pa riyan, nananatiling sa National Capital Region pa rin ang may pinakamataas na bilang ng mga kaso na umabot na ng 1,227 sa bilang mula sa Enero 1 hanggang Agosto 20 ngayong taon (Gaano kaseryoso ang Leptospirosis, n.d.). Hindi lamang ito dahil sa dami ng mga baha sa NCR ngunit pati na rin sa kakulangan ng tamang pagtapon ng mga basura at sa panahong tag-ulan dito.
Ang Pilipinas ay nakapaloob sa tinatawag na Pacific Ring na primaryang dahilan kaya tayo ay nakararanas ng iba’t ibang kalamidad lalo na ang bagyo at habagat. Kahit tayo ay laging nakararanas ng ganitong kalamidad, hindi pa rin tayo handa sa mga ganitong sitwasyon. Sa kadahilanan ng palagiang pagbaha, mas naging kabaha-bahala ang pagtaas ng bilang ng leptospirosis sa ating bansa.
Sanggunian: Philippine Canadian Inquirer (2014)
Masasabi natin na ang ating gobyerno ay hindi nagkulang sa paalala patungkol sa leptospirosis tuwing sa panahon ng tag-ulan. Pero hindi ito sapat dahil tumataas pa rin ang bilang ng kaso ng sakit na ito. Ang gobyerno ay dapat may sapat na kaalaman tungkol sa mga hazardous area sa gayon sigurado tayong ligtas ang mga tao sa baha at maaaring sakit. Ang ating gobyerno ay nakapokus sa polisiya sa “going back-to-normal” kung saan hindi tinutugunan ang ugat ng mga sakuna o kalamidad kung saan gusto nila na bumalik lang sa “normal” ang buhay ng tao pagkatapos ng kalamidad.
Sa nararanasan nating pagbabaha lagi natin itong sinisisi sa gobyerno pero hindi natin tinitingnan ang ating mga sarili kung saan wala tayong disiplina at kung saan tayo ay nagtatapon ng basura sa ating kapaligiran. Ang mga basura ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkakabaha at dumarami ang daga sa ating kapaligaran bukod rito ito pinagmumulan ng leptospirosis. Dapat matutunan natin ang tamang pagtatapon ng basura at kung paano natin ito mapapakinabangan pa.(Pasion,2012)
Ang mga barangay na may kaunting drainage system ay maaring magpagawa pa ng mas maraming drainage system. Sa ganitong palagay ay mas madali bumaba ang mga baha o upang maiwasan ang pagkakaroon ng baha sa bawat barangay.
Maaari na magkaroon ng programa ang bawat barangay ng buwan-buwang clean up. Ito ay gagawin ng mismong mamamayan sa barangay upang hindi gumamit ng malaking pondo. Sa ganitong paraan, magkakaroon ng responsibilidad ang bawat mamamayan na bawasan ang basura at iwasan ang
Sanggunian: International Journal of Disaster Recovery pagtatapon ng basura sa kalye na
and Business Continuity (2015) ging sanhi ng pagbara ng mga drainage
system. Ang pagiging malinis din ng barangay ay isang paraan upang hindi dumami ang mga peste katulad ng daga sa paligid dahil ang mga daga ang pangunahing sanhi ng leptospirosis.
Ang bawat barangay ay maaring maglunsad ng programa na makapagbibigay edukasyon sa mga mamamayan kung anu-ano ba ang masasamang dulot ng leptospirosis at kung paano ito maiiwasan. Ang pagbibigay ng mas malawak na kaalaman tungkol sa leptospirosis ay isang hakbang upang maiwasan ang paglaganap ng nito kahit na kaunti lamang ang pupunta rito. Sa ganitong paaran ay maaring makapagbigay kaalaman ang mga mamamayan ng barangay sa kani-kanilang mga kapitbahay sa pamamagitan ng pagmulat nila tungkol sa leptospirosis.
Ang gobyerno ay dapat maglaan ng para sa pagsasagawa ng rodent pest control. Ang bawat barangay rin ay dapat magkaroon ng buwan-buwan na rodent pest control upang magkaroon ng microdevelopment ang Pilipinas sa pagsugpo o laban sa leptospirosis. Sa ganitong paraan ay magkakapagbigay ng trabaho ang gobyerno upang mabawasan ang mataas na lebel ng mga walang trabaho. Nagagawa ang ganitong solusyon sa mga dorms, kaya’t maaring magawa rin ito sa Pilipinas.
Sanggunian:
Asis, K. (2018). All About Leptospirosis. Retrieved October 16, 2018, from https://www.stlukes.com.ph/news-and-events/news-and-press-release/All-About-Leptospirosis
Gaano kaseryoso ang Leptospirosis? (2018). Retrieved October 11, 2018, from https://remate.ph/2018/07/10/gaano-kaseryoso-ang-leptospirosis/
Ganiron, T. U. (2015). Flood Control and Drainage System of Espana Boulevard in Metro Manila. International Journal of Disaster Recovery and Business Continuity, 6, 17–28. https://doi.org/10.14257/ijdrbc.2015.6.03
Leptospirosis: Sakit mula sa Ihi ng Daga. (n.d.). Retrieved from: https://www.ritemed.com.ph/tamang-kaalaman/leptospirosis
Mga Dapat Malaman Tungkol sa Leptospirosis. (2018, July 5). Retrieved from https://www.ritemed.com.ph/articles/mga-dapat-malaman-tungkol-sa-leptospirosis
Mga Kaalaman Tungkol Sa Leptospirosis. (n.d.). Retrieved from: http://kalusugan.ph/leptospirosis-isang-mabigat-na-dahilan-para-iwasan-ang-tubig-baha
MMDA to clean manholes, drainage system to minimize flooding in MM | Philippine Canadian Inquirer. (2014). Retrieved October 16, 2018, from http://www.canadianinquirer.net/2014/06/16/mmda-to-clean-manholes-drainage-system-to-minimize-flooding-in-mm/
Pasion, P. (2012). Kalamidad sa mahihirap: Di lang habagat at baha, kundi pati polisiya ng gobyerno – Pinoy Weekly. [online] Pinoyweekly.org. Available at: http://pinoyweekly.org/new/2012/09/kalamidad-sa-mahihirap-di-lang-habagat-at-baha-kundi-pati-polisiya-ng-gobyerno/ Retrieved 11 Oct. 2018.
Ong, W. T. (2015). Ano ang leptospirosis?. Retrieved from: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2015/04/01/1440032/ano-ang-leptospirosis
Takumi, R. (2018). Leptospirosis cases up 358% in Metro Manila this year — DOH. Retrieved October 11, 2018, from http://www.gmanetwork.com/news/news/metro/665101/leptospirosis-cases-up-358-in-metro-manila-this-year-doh/story/